Almost 2 Years

Tuklasin ang nakakakilig na kwento ni Erin, isang high school student na biglang nagulo ang mundo nang umamin sa kanya ang lalaking matagal na niyang lihim na hinahangaan, si Lucas. Ano ang mangyayari kapag ang crush ng bayan, na crush din ng best friend niya, ay umamin sa kanya? Handa na ba si Erin harapin ang komplikasyon ng pag-ibig sa high school?
Nakilala ko si Lucas noong 16 years old pa lang ako, nasa Grade 10. Kilala siya sa school namin dahil pogi na matalino pa. Literal na ideal man. Tahimik lang siya at laging naka poker face na akala mo laging may kaaway.
Aaminin ko, medyo naging crush ko siya ng konti. Konti lang naman super konti. Kaso, nalaman ko na may gusto pala sa kanya yung isa kong kaibigan. Sa sobrang pag ka gusto niya kay Lucas nawalan na lang ako ng choice aminin sa kanila na gusto ko din yung tao. Mas okay na din, kasi for me mas bagay naman silang dalawa. Kaya ganun yung ginawa ko, nadedevelop palang yung feelings ko sa kanya nag move on nako kaagad. Ganon kabilis.
